Tara alis na tayo?

Hindi ko alam kung bakit ko ‘to isinulat, hindi naman siguro para humingi ng simpatya pero gusto ko lang ng makakapitan. Hilig ko naman talaga ang magsulat at dito ko naisip na iukit kasi tagalog 😅 LOL
Tulad ng nakararami, gusto ko na ding umalis. Gusto ko ng lisanin ang institusyon na nag-aruga sa’kin ng halos apat na tao. Can you imagine? 4years samantalang 22 pa lamang ako ngayon, kung tama ang kalkulasyon ko. Nagsimula akong magtrabaho sa kompanyang ‘to noong labing-walong taong gulang pa lamang ako. Sobrang fresh diba? Na halos hindi ko na natapos yung pag-aaral at propesyon na talagang nais ko. Ang dami ko nang pinagdaanan na halos lahat ng emosyon, dito na sa kompanyang ‘to nabuo. Mga tao na tumulong sa paghulma sa kung sino ako ngayon. Pero lately, nakakaramdam ako ng sobra-sobrang kalungkutan. Ang daming dahilan na halos yung iba hindi ko na maarok. Pero ilan sa mga yun ay yung paglisan ng ilan sa mga tunay kong kaibigan, mga tao na nagbigay kulay sa buhay ko sa trabaho. Totoo naman na ‘people come and go’ pero hindi ko maitago yung lungkot na nararamdaman ko sa tuwing iisipin kong wala na sila. Isa pa sa mga dahilan ay ung kawalan ng ‘Challenge and Learnings’ halos pare-pareho na lamang ang ginagawa ko, wala nang kahit na anong takot sa pagkakamali o pakialam sa puna ng ibang tao. Gusto ko ng umalis at subukan yung totoo kong Passion, pero natatakot ako. Natatakot ako sa pagbabago, natatakot ako sa possibilities at natatakot ako sa concept ng ‘Paglisan’. Sobrang arte kung titingnan pero lahat ng ito ay yung totoo kong nararamdaman. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pipiliting manatili, pero sana lang magkaroon ako ng lakas ng loob. Lakas ng loob para lumisan o lakas ng loob para manatili. Sobra akong naiingit sa mga taong ang daling lumisan, mga tao na madaling makatanggap ng pagbabago. Parati kong sinasabi sa sarili ko na “I’m smart enough to accept changes and be flexible to all the things the world will offer” pero hindi pala talaga. Mas mahusay at mas matalino palang talaga yung mga tao sa paligid ko. Dahil ang tunay na katalimuhan ay ang patuloy na pagtanggap at pagyakap sa pagbabago at pagbangon sa kahit na anong kalungkutang dulot ng buhay. Don’t get me wrong, Hindi ko kinaaawaan ang sarili ko, pero ikinalulungkot ko ung kawalan ko ng destinasyon at determinasyon. Mukha siguro akong matapang pero sobrang hina ko. Sobrang weak ng kahit na ano sa aspeto ng buhay ko. Again, hindi ko pa din alam kung aalis na ba ako. Ang dami pang bagay ang nais kong i-consider pero tulad nga ng madalas kong marinig sa Lola ko noong bata pa ako ‘Bahala na si Batman’. Bahala ng makalimutan kong muli itong kalungkutan at maghintay sa mga muling iaahin ng tadhana.

Advertisements

2 thoughts on “Tara alis na tayo?

  1. Don’t be afraid. Always think in positive way because I know how dedicated your sa mga bagay na gusto mo. Saying goodbye is not an end. It’s the beginning of new chapter. Don ka sa mga taong sasamahan ka hindi dahil sa may kailangan sayo. Don ka sa mga taong sasamahan ka dahil gusto ka nilang kasama at hindi yung puro ayon lang sa gusto mo at don ka sa mga taong malakas ang loob manita, hahahaha… No matter how far the distance, true friends will always be there hindi man sa lahat ng oras, they’ll be there in times you needed the most.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s