Sa Wakas ng Bawat Alaala

Patuloy sa pagpatay-sindi ang dagitab sa ilalim ng maramot na ilaw ng Mayari. Waring marupok na mananakop ngunit isang pantas. Pantas na nais sakupin ang ligaya at mag-iwan ng tibatib sa utak na parati ng marumi. Ito na marahil ang isa sa mga gabi at araw na hindi ko kailanman kalulugdan. Ang araw na bumubulong ng mga mapapait kong lihim at nakaraan. Ngunit ito ‘din ang unang araw na mas pinili kong sumulat. Araw na kinalimutan kong lumuha at mas piniling tahimik na humawak ng tinta at kwaderno. Ito na nga ang araw na patuloy ng lumulupig sa aking pagkatao, dahil ngayon ay iyong kaarawan at ang araw na parati mong ipinagdiriwang na hawak ang aking katawan. Salamat dahil ang lahat ng pagdiriwang ay alala na lamang, mga alalang patuloy na bumabalik noong mga panahong ako’y musmos pa lamag. Nakakat’wa dahil hindi ko inakalang wala ng luhang dumadaloy habang iniisip kita. Simula noong biniyayaan mo ako ng mga pilat hanggang sa mga araw na magkatabi tayong natutulog sa masikip nating higaan. Ngunit sa bawat ala-alang sa aki’y nanunumbalik, ganun na lamang din ang bilang ng bawat sakit. Pagdurusa dahil sa mga panahong mas pinili kong maging musmos, mga panahon na nakilala kita at hinayaang bumuo ng magulo at masalimuot kong buhay.

I hate myself for being a child. I hate myself for letting you hurt me when I wasn’t aware what is “pain”. You aren’t a human because I can no longer think of you as one. You’re no longer living because I already killed you in my dreams[and I always will]. But just like you, I can no longer consider myself as a human, because you killed me. You left me because you needed me, and I’m dying because of your memories.

     Now, I wish I did not meet you, I wish i did not become a child, I wish you did not exist at all, because I’m dying. I’m dying while remembering your touch and I’m dying remembering you.

Maging maramot ka! Maging maramot ka nawa sa mga alaala. Dahil ayoko ng muli pang masaktan at ayoko ng muli pang bumalik sa nakaraan.

 

– Marlboro Black and your Regatta (Sa Wakas)

Advertisements

3 thoughts on “Sa Wakas ng Bawat Alaala

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s